<$BlogRSDUrl$>

*riccicutie's world*
:::notes, thoughts, adventures, attempts, photos, escapades, make-believes, realities, all me:::

para sa aking ex

Saturday, August 25, 2007

balita ko, kinukumusta mo daw ako (ang sabi pa ng kaibigan kong kinausap mo, mukha naman daw nagsasabi ka ng totoo, dahil hindi ako makapaniwala na kinukumusta mo ako). at bakit naman kasi hindi ako mismo ang lapitan mo at kausapin? siguro nahihiya ka sa 'kin, 'no? sa laki ba naman ng kasalanan mo sa akin, hindi na ako nagtataka. pero 'wag kang mag-alala, wala na sa 'kin yun. sa totoo nyan, nagpapasalamat pa nga ako sa mga nangyari. alam mo bang sa iyo ko naintindihan ng maigi ang salitang "pagpapatawad". oo, tama ang narinig mo. nung mga panahon na inaapi mo ako, halos gabi-gabi ako nagsisimba kasama ang nanay ko. kapag sasambitin ko na ang linya sa ama namin na - patawarin mo po kami, gaya ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin, mukha mo ang naiisip ko. hanggang sa naging maluwag na rin sa puso ko ang lahat ng mga nangyari, hanggang sa napatawad na kita.

9:36 AM :: ::
0 Comments:
Post a Comment
<< Home

permalink