bakit masarap pag-pyestahan ang love triangle nina kris, james and hope?
Wednesday, February 28, 2007
- dahil likas na sa mga pinoy ang pagiging chismosa (or most people i know)- ang sabi nga ng isa sa aking mga kaibigan, stress-reliever ang chismis. minsan, masayang makipag-usap sa mga kasamahan mo tungkol sa mga mabababaw na bagay. it doesn't require a lot of thinking, at naa-aliw ka pa!
- dahil mas nakaka-engganyo silang panoorin, kesa naman ang mga pangangampanya ng mga trapo. nakaka-irita makita ang mga mukha ng mga senatorial candidates sa tv - doing a song and dance number.
- dahil gusto ko makita on how james get the treatment, grilled and all. mga lalake talaga, caught in the act na e deny to death pa rin. when will they ever learn?? (ang sabi nga ng nanay ko, talupan mo man ng buhay ang mga yan, di pa rin yan aamin)
- dahil kay kris ko naintindihan that money can't buy everything.
- another lesson learned from kris - what goes around, comes around. maniwala ka sa karma. remember that she had been in hope's shoes more than once.
- dahil nakaka-sabik subaybayan kung ano na ang mangyayari kay hope. well, at least for now na isa syang hot-item. mag-sh-showbiz kaya sya after this? tatakbong mayor? governor? presidente? or bigla na lang mag-lalaho after the issue has died already... abangan na lang ang mga susunod na show ng the buzz at s files!