<$BlogRSDUrl$>

*riccicutie's world*
:::notes, thoughts, adventures, attempts, photos, escapades, make-believes, realities, all me:::

Monday, July 24, 2006

pasensya na ha, kung agad kitang tinalikuran
ayoko kasing makita mong namumuo ang luha sa mata ko e
pasensya na, kung hindi kita niyakap ng mahigpit
baka maramdaman mo na humikbi na ako sa lungkot
ayoko pa sanang umalis

ang bigat ng mga hakbang ko palayo sa 'yo
hindi ko na halos makita ang nilalakaran ko,
tumutulo na kasi ang luha ko e

hanggang sa eroplano, walang tigil
parang gripo
gustong kong umiyak ng malakas
kaya lang baka isipin ng katabi ko
loka loka ako

inisip ko na lang, di magtatagal
magkikita ulit tayo
sana malapit na

11:13 AM :: ::
1 Comments:
  • para kanino ito sexy ricci??? hmmm...

    By Anonymous Anonymous, at 1:20 AM  
Post a Comment
<< Home

permalink