<$BlogRSDUrl$>

*riccicutie's world*
:::notes, thoughts, adventures, attempts, photos, escapades, make-believes, realities, all me:::

before Holy Week comes, I'm pouring it all out...

Friday, April 07, 2006

ano ba ang pwedeng gawin sa salbahi, walang puso, malupit, mapang-api na amo? dahil ba sa mas mataas ang posisyon niya kaysa sa amin, ay nangangahulugan na pwede na niya kaming api-apihin? ganoon ba talaga ang dapat mangyari?

as one of the people i know from work puts it:

"shape up, or ship out"

kung di mo kayang sumunod sa patakaran, malaya kang makalalayas ano mang oras mo ibigin. teka teka, lahat naman ng utos sinusunod namin a! kahit nga lampas na sa oras ng trabaho, ginagawa pa rin namin ang aming tungkulin. kahit pa sumusuka na kami ng dugo, lumuluha na ng bato, nagtatrabaho pa rin kami. dumating nga sa punto na wala na kaming panahon para sa mga personal na lakad. siyempre, importante ang trabaho para sa amin, ito ang kabuhayan namin. kaya naman lahat ay ginagawa namin sa abot ng aming makakaya. sana naman, naiinitindihan ito ng amo namin.

at babalik ako sa nauna kong katanungan, bakit nga ba may mga among pagkasama-sama ng ugali?

hindi ko ito maintindihan.

minsan naiisip kong gumanti at gawin ang mga sumusunod:

--hahanapin ko ang sasakyan nya sa carpark at babasagin ko ang windshield, o kaya ay bubutasin ko ang gulong (yung apat na gulong, para siguradong aatakihin sya pag nakita nya).
--pasasabugan ko ng granada ang harapan bahay nya
--maghahanap ako ng magaling na mangkukulam, ipapakulam ko sya araw-araw, gabi-gabi
--mag-aarkila ang ng mga gangster, pa-aabangan ko sya sa kanto at ipapa-bugbog ko sya hanggang sa malumpo na sya
--lalagyan ko ng kankunis ang iniinom nyang tea (sampung pakete ng kankunis!), tignan ko lang kung di pati bituka nya e lumabas sa kaka-iri nya.
--lalagyan ko ng muriatic acid ang facial wash nya, sana lang talaban ang makapal nyang balat

hindi ko naman siya nais patayin, yan lang ang gusto kong gawin sa kanya para kahit papano ay maramdaman nya ang sakit na idinulot nya sa amin. kung kailan ko magagawa ito, hindi ko alam. pero yan ang pantasya ko gabi-gabi.

===

note: bato bato, may matamaan sana. kung sakaling mayroong amo na maging biktima ng aking mga pantasya ay pasensya na lang. ang mga nakasaad sa itaas ay pawang mga pangarap ko lamang, pero wala akong lakas ng loob na tuluyang gawin ang mga iyan.

4:49 PM :: ::
0 Comments:
Post a Comment
<< Home

permalink