<$BlogRSDUrl$>

*riccicutie's world*
:::notes, thoughts, adventures, attempts, photos, escapades, make-believes, realities, all me:::

Saturday, August 13, 2005

Mahal,

Madalas, wala akong pakialam sa yo. Madalas, naiinis ako pag nakikita kita. Pero ewan ko ba. Pag nakikita ko ang mga litrato mo nung bata ka pa, ang puso ko ay kumikirot. Minsan, naluluha pa ako. Nalulungkot ako sa nangyari sa iyo, sa nangyari sa atin. Maraming pagkakataon na humihiling ako, sana ibalik ang panahon ang ating kamusmusan para maituwid ko ang lahat. Sa mga litrato ng nakaraan, dun ko naaalala na mahal pala kita.

Pano ko ba ipapakita, ipapadama sa iyo na mahal kita. Hindi kita makausap, hindi kita maabot. Sa ngayon, ito lang muna ang kaya kong gawin, isulat ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal kita, sana malaman mo.

4:11 AM :: ::
0 Comments:
Post a Comment
<< Home

permalink