rebel at last!!!
Saturday, June 25, 2005
finally!nakuha ko na ang pinakamimithi ko!
ang rebel xt. this is also known as the 350D. i was opting for the silver colored, too bad, no silver release here in pinas.
anyway, silver or black, it's still a rebel. no more, no less.
kahapon ng tanghali, kahit kumukulog, kumidlat, may banta ng kudeta left and write (dahil sa pesting haller garci scandal), not to mention ang kaliwa't kanang rally sa maynila, ay dali dali ko pa ring kinaladkad si nanay sa quiapo, dun sa hidalgo street. dahil ang advise ng canon marketing (makati), mas matipid daw kung sa quiapo ako bibili, as compared with malls. oo nga naman. i called up the canon showroom at megamall, and u know what? walong libong piso nag diprensya! the only difference with the package is the free photographer's bag. e hindi naman aabot ng 8 libo ang bag, noh? kinuha ko sa canon marketing ang list authorized dealers nila sa quiapo area. mahirap na, baka ma-peke ako. since pare-pareho lang ang selling price nila, i settled in avenue photo. chinese ang may-ari, pero pinay ang nag entertain sa amin at nag-demo sa camera.
hay nako. ang kilay ng nanay ko, nakataas all the way na tila aabot na hanggang langit. ano nga naman daw ba ang gagawin ko sa ganitong klasing camera, e hindi naman daw ako photographer. pero hindi ko pinansin yon.
by the way, kasama namin ang kapatid kong bunso sa pagbili. sinundo muna namin sya sa dorm bago kame dumerecho ng quiapo. kayo ayon, nakangiti din sya from one ear to another dahil may bagong gamit na naman daw syang mahihiram sa akin. at kailingan din daw niya ng slr camera pag dating nila ng 3rd year.
hindi tumagal ng 30 minuto ang usap usap, tawad tawad at explain explain sa nasabing photoshop. desididong-desidido na talaga ako. nagbigay naman ng discount yung intsik na may-ari pero hindi kalakihan. di bale na, kung sa megamall ako nakabili e mas taga naman sa presyo.
maraming nagtitinda ng gulay gulay along hidalgo street. kaya itong si nanay, humirit pa, namili pa ng gulay! talong, sitaw, at kung ano ano pang damo damo. ewan ko ba, basta pupunta kame ng quiapo, kailangan lagi kaming may bitbit na gulay pauwi.
pagkatapos, hinatid na ako ni nanay sa opis. bago kame makarating, from manila to eastwood e katakot-takot na trapik ang inabot namin. i noticed na nagkalat ang mga uniformed men. tsk tsk.
kaya eto ako ngayon, mulagat kahit puyat. excited nang umuwi from work para ma-explore ko na ang pinaka-mamahal kong rebel.