simbahan ng Malate
Saturday, January 22, 2005
Mahal,
Alam mo ba kung nasaan ako kaninang umaga?
Nagpunta ako sa simbahan sa Malate.
Isang misa ang nagaganap nang ako ay dumating. At alam mo ba? Mga bata ang mga choir na kumakanta, nakakatuwa. Pati ang lector, ang mga nag-offer ay mga bata din. Ang pinakabatang edad na nakita ko ay 4 at mukhang 12 taong gulan naman yung pinaka-matanda sa grupo.
Tinapos ko ang misa. Sa aking pagtigil, sandali akong nanalangin. Marami sana akong idudulog sa Ama, ngunit pangalan mo lamang ang nasasambit ko. Naisip ko, ano pa nga ba ang hihilingin ko? Ikaw lamang ang laman ng dasal ko kaninang umaga.
Malamig at masarap ang simoy ng hangin ng umaga. Gusto ko pa sanang magtagal, kaya lang ay may natakakdang kasal sa mga oras na iyon. Sya nga pala, kumuha ako ng litrato ng simbahan. Tignan mo, nakakatuwa ang nasasaad sa projector; Babala sa mga tao na huwag basta basta iwanan ang kanilang mga gamit.
Mahal, sana sa mga oras na ito ay maayos ang iyong kalagayan. Hinihintay ko palagi ang iyong pagbabalik.