Pagtigil
Thursday, January 27, 2005
Mahal,
Dumalaw ka daw kagabi. Sayang, hindi kita naabutan.
Sya nga pala, nasa atin pala ang imahe ng Mahal ng Birhen. Heto ang kanyang litrato. Kaninang umaga ko lamang yan kinunan.
Sa Kanyang sandaling pagtigil, isang hiling muli ang aking dinasal.
Lagi ka sanang mag-iingat saan ka man magpunta.