<$BlogRSDUrl$>

*riccicutie's world*
:::notes, thoughts, adventures, attempts, photos, escapades, make-believes, realities, all me:::

mahal

Saturday, January 15, 2005

Mahal,

Alam ko na minsan mo nang sinabi na hindi ka na muli pang iiyak, na hindi ka na muli pang dadaing sa sakit. Hindi ko alam kung nakakaramdam ka pa ng sakit, pero gusto kong malaman mo na nasasaktan ako sa nangyayari sa iyo. Kagaya mo, hindi din mababakas sa mukha ko ang nararamdaman ng loob ko.

Hindi ko alam ang laman ng isip mo, pero alam ko na ang laman ng puso mo ay galit. Hindi kita masisisi.

Marahil ay hindi mo ako pakikinggan sa mga oras na ito, dahil ang taong nagagalit ay bingi. Marahil ay puro poot lamang ang naiinitindahan mo sa ngayon.

Kung ako man ay sakaling papiliin, kung kayamanan man o ang pagliliwanag ng iyong isip, pipiliin ko ang huli. Wala na akong ibang hahangarin pa para sa iyo kung hindi ang matuwid ang landas na iyong dinadaanan.

Kasama ka sa bawat dasal na aking sinasambit, kasama ka sa mga hiling ko sa Ama. Hindi ko alam kung hanggang kailang ka magiging matigas, pero sana ay matapos na ito.

Umaasa ako sa iyong pagbabalik.

1:55 AM :: ::
0 Comments:
Post a Comment
<< Home

permalink